Lizelle: Bago po ang lahat nais ko pong ipaabot sa inyo ang aking pabati, magandang _______ po sa inyong lahat. Ako po si Lizelle Turla, ang inyong magiging tagapamagitan ngayon. Tapos na nga pala ang pasko at ngayon ay 2010 na, ilang buwan na lang ay eleksyon na, kung kaya’t sa tuwing nanonood tayo ay busog na busog ang ating mga mata sa mga “infomercial” ng mga pulitiko, ngunit hindi po ‘yon ang ating paksa ngayon, waring akin ba pong nasabi kanina ang eleksyon, kurtina po ngayo’y akin ng binubuksan upang atin ng magisa paksang mainit pa sa sikat ng araw. Atin na pong pagsalusaluhan; Dapat ba o hindi dapat tumakbo si Pangulong Arroyo bilang kinatawan ng ikalawang destrito ng Pampanga? Bayan, ano po ang inyong masasabi tungkol dito? Teka lang po, bago po magsimula ang ingay at bulong-bulungan halina po’t ating kilalanin nasa panig ng dapat….
(group1 papasok:
Si Ginoong ___________ po, mayor po ng Lubao, si Bb. Roczanne Sawal, isang negosyante, si Ginang Quencess Carino na isang mamamayan sa Pampanga, si Ginoong Mickey Arroyo, kasalukuyang kinatawan ng ikalawang destrito ng Pampanga at anak ng Pangulo at si Bb. Nikka dela Cruz isang abogada..sila po ang kumakatawan sa panig ng dapat…
Joshua (mayor ng Lubao): Magandang araw po sana’y sumainyong lahat! Bayan, ano po ang inyong masasabi ? hindi po ba tama na tumakbo si Pangulong Arroyo bilang kongresista?
Quencess: Eh wari pu atyu kami king matulid a katwiran, nanu pu king palage nyu?
(group2 biglang papasok
Johnson: Sandali lang po!
Marx(erap): Saguli mu…..,
Marille: Hindi nyo ba kayang itayo ang sarili nyong bandila?
Michelle: Oo nga! Tila yata wala pa ang laban ay gusto nyo nang umuwi?
Jeremy: Bakit d muna kayo umuwi at doon matulog at managinip?
Roczanne: Ooops…, teka lang, ang yayabang nyo naman! Hindi ba’t di pa kayo tinatawag?
Marielle: Oo,bakit?
Roczanne: Kung gayon, bakit lumabas na kayo?
Johnson: Eh ano ba pakialam mo? Nasa demokrasyang bansa tayo! Yaan ang tandaan mo!
Marth: Kailan pa ba pinayagan sa demokratikong bansa ang kabastusan?
Lizelle: Sandali lamang po, hindi pa po tayo pormal na nagsisimula ay kumukulo na ang usapan. Magsiupo po muna kayo ng pormal na nating masimulan, atin po munang kilalanin nasa panig ng hindi dapat. Si Ginoong Johnson Yambao na isang mamamayan sa Pampanga, si dating pangulong Estrada, si Bb. Michelle Alejandro isang magaling na propesor, at si Ginoong Jeremy Ganaden isang negosyante..
(group2 tatayo)
Group2 (sabay-sabay): Magandang araw po sa inyong lahat.
Marx: Paumanhin po sa ipinakita naming kanina, kami’y sabik lamang pong ipagtanggol ang sa aming panig.
Lizelle: Paumanhin nyo po’y malugod naming tinatangap,sa inyong pagkasabik ngayon po’y kurtina ay akin nang binubuksan, pagtatalo ay atin nang pasimulan sa panig ng dapat…
Nikka: Wasto nga po at tama si Pangulong Arroyo tumakbo sa kongreso at kanyang ipagpatuloy nasimulan para sa bayan. Marami rin siyang nagawa para sa mga kapampangang gaya ko.dapat lamang ipagpatuloy serbisyo nya sa bayan.
Marielle: Tama ba ang aking narinig serbisyo ang iyong ninanais? Hindi ho ba pwedeng magserbisyo sya ng hindi nakaupo sa pulitika?
Joshua: makakapagpasa ba ng batas ang isang ordinaryong mamayan?
johnson: ginoong alkalde, aanhin mo ang napakaraming batas kung mismong mga pinuno ay tiwali? hindi kailangan ng bansa at ng Pampanga ang napakaraming batas kailangan ay magaling at di tiwaling pinuno.
Joshua: aanhin ko? para nga naman sa isang taong promlema ng batas hindi alam ang gagawin sa batas. sundin mo ang mga batas at aayos ang bansa!
michelle: aayos?paano kung sino ang gumawa sa batas sya ang bumabali dito?
Quencess: paano mo iyan nasabi? wala pa ngang napatunayan sa limpak-limpak na akosasyon ninyo sa pangulo , mayroon na ba?
Marx: dahil iyon sa kanyang immunity, kung kaya't wala kaming mapatunayan.
Zanne: sabihin ninyo'y kulang kayo sa ebidensya!.
Jeremy: anu pa bang ebidensya ang hanap mo..hindi pa ba sapat na alam ng lahat na kurakot sya?
Marielle: sapat na ang narating niya sa pulitika, naging pangulo na sya ano pa ang kanyang nais? maging prime minister?
joshua: teka lang. bakit nyo ba sya kailangang pangunahan?
Marx: bakit alam nyo ba ang plano nya? hindi ba't plano nyang ipasa ang con-ass sa mayorya?
Roczanne: ano? Prime minister? Bakit naman nya kailangang maging Prime minister?
Jeremy: tinatanong mo kung bakit? lahat ng pilipino'y alam na ang dahilan hindi na kailangang sabihin pa!
Quencess: Hindi na kailangang sagutin o hindi mu alam ang isasagot? Baka naman kasi ay alam mo sa sarili mo na wala kayong patunay sa mga paratang ninyo sa pangulo. sa dami ng akusasyon nyo ni isa wala kayong napatunayan!
Marx: Paano namin mapatutunayan ang nais naming patunayan kung may immunity ang pangulo?
Nikka: immunity? ano naman ang kinalaman noon? ang kailangan ninyo ay matibay na ebidensya! Matibay na ebidensya!
Lizelle: Paumanhin ngunit puputulin ko po muna itong pagtatalo dahil kung sila'y hahayaan ko baka entablado ay magkagerang daig pa ang init ng usapang Maguidadatu at Ampatuan. Pakiwari ko sa init ng ulo ng dalawang panig kung di iaawat ilang minuto nalang ay magsasapakan sila, kapwa sila gigil na gigil panig ay kanilang maipagtanggol, kung kaya't entablado muling mapasainyo.
Marth: Binibini, akin lamang pong napagmasdan habang ika'y nagsasalita wari ko'y kalabang panig ay nais ng umuwi. Naubusan na yata ng mga salitang laban sa aming opinyon.
Jeremy: Ginoo, sa aking pakiwari ay ikaw ang may nais umuwi, kumbaga sa aming negosyante ikaw ay may mas mahalagang deal na dapat puntahan. sige mauna kana kung iyon ang iyong nais.
Marth: kung ako, wala akong lakad baka kayo meron? anumang oras ay maari kayong sumuko.
Group1 (sabay-sabay): wala! Baka kayo! sadyang pinaghandaan namin ito marapat lamang na kami ay manalo at kayo'y mapasuko.
Marx: kayo? nmananalo? lubha yatang malabo iyan..
Nikka: bakit? may nais pa ba kayong patunayan? sa dami na ng naipagawa ng pangulo sa Pampanga marapat lamang na ipagpatuloy niya ang serbisyo sa bayan.
Marielle: serbisyo? naipagawa? anu-ano nga ba kanyang naipagawa? ang mansyon niya sa Lubao? 'yon ba?
Roczanne: hindi!, wala ba siyang sariling pera para makapagpatayo ng ganoong bahay? Sa pagkakaalam ko kasi ay kumukita rin ang pangulo.
Michelle: kumikita? baka naman nagbubulswa ng kaban ng bayanj, kung sabagay baka para sa inyo ay propesyon na ngayon ang pagnanakaw.
Joshua: Magnanakaw? anu nalang ang iyong masasabi sa dami ng tulay, kalsada at ibang pang paraan upang mapabilis ang transportasyon na naipagawa niya para sa mga kapampangan? Hindi ba't mga patunay ang mga iyon na may mga naipagawa siya para sa probinsya at sa pag-unlad ng bayan?
Marx: Tama, pag-unlad! pag-unlad ng kanyang bulsa!
Nikka: paumanhin po.waring sinabi nyo po ang pag-unlad, kayo po, nkatulong po ba kayo sa pag-unlad ng bayan o baka pinaunlad nyo ang inyong bulsa? Mabuti pa iyon, napatunayan!
Roczanne: hai, kung sino nga namn ang nag-iisip ng masama sa kapwa ay siyang tunay na masama..
Marx: inilalayo ninyo ang usapan!
Marth: bakit ? pikon na po kayo? paalala lang po kahit anung oras ay pwede kayong umuwi.
Group2: Kaya naming panindigan ang aming panig at hindi kami uuwi hagga't hindi tapos ang pagtatalo!
johnson: hindi na dapat tumakbo ang pangulo bilang kinatawan, ang pangit namang isipin mula sa siyam na taon niya sa pagkpangulo ay maging kongresista siya? hindi pa ba sapat ang naibulsa niya sa loob ng siyam na taon?
Group1: Bakit ba puro masasama nalang ang nakikita ninyo? Wala na ba kayong maisip na maganda? kailangang tumakbo ng pangulo bilang kinatawan para sa mas lalong paglago ng segunda destrito ng Pampanga.
Group2: sobra na! kailangan na niyang tumigil sapat na ang siyam na taon niya sa gabenete.
Group1: Dapat!
Group2: tigilan na!
Lizelle: paumanhin po muli ngunit kailangan na nating itigil nasimulang pagtatalo. baka kasi tuluyan magkgera dito sa ating munting entablado. Habang ako'y nakikinig aking napakinggan mula sa nagtatalong panig mga salungatang opinyon sa pagtakbo ng pangulo ngunit hindi ku po nakuhang madesisyunan kung sino ang nanalo. Mga kapampangan kayo nalang po ang bahalang magdesisyon sa darating na eleksyon kung bibigyan pa ba ang pangulo na maglingkod. Nawa'y nakatulong kami upang makapaglinaw ng mga kaisipan. Maraming salamat po sa pakikinig sa amin, sa darating na mayo sana po ay bumoto tayo ng tama. Muli maraming salamat po.
-END-
Dapat ba o hindi dapat na tumakbo si Pangulong Arroyo bilang kinatawan ng Ikalawang Distrito
ng Pampanga?
----------bow-----------
No comments:
Post a Comment